mga teorya patungkol sa pag-ibig
TEORYA NG PILA
Ang pag-ibig ay isang mahabang pila. May tao sa harap mo. May tao sa likod mo. Ang problema, yung tao sa harap mo, preoccupied din sa nasa harap nya kaya hindi ka nya lilingunin. Pero dahil sobrang nakatuon ang atensyon mo sa tao sa harap mo (na hindi naman lilingon sau), hindi mo magawang lingunin ang tao sa likod mo.
...hay...minsan kailangan lang siguro ng isang malakas na tapik para mapalingon mo siya?
TEORYA NG TSINELAS
Kailangan na isukat muna talaga ang tsinelas para malaman mo kung gusto mo ito o hindi. Kailangan ba talaga? Eh madalas naman, ang sinusukat lang natin ay yung tsinelas na gusto na natin sa unang tingin pa lang. Pag nasukat na natin, dun siguro tayo magdedesisyon kung bibilihin o hindi. Hindi ba ganun un?
Kaya lang minsan din, may tsinelas na sobrang nagandahan na tayo unang tingin pa lang. At kung gusto ang pag-uusapan, gusto natin ito. Kaya lang kahit i-offer na sa atin ito, minsan pinipili pa rin nating hindi isukat. Minsan kasi, sa sobrang ganda, gusto na lang natin na manatili ito kung pa'no natin nakita. Kung isusukat kasi (o ipanlalakad), malamang marumihan lang. Minsan nakakahinayang.
Posted at 01:12 am by roreel