seq.int.mrt station.night
Nakalutang na magpapatangay si Rory sa alon ng makapal na tao papasok sa platform ng MRT.
CLOSE UP: Tatanggapin ng makinang gateway ang tiket papasok.
CUT to:
Hahakbang sa elevator. Dalawang minuto para makarating sa baba. Pupunuin na naman niya ang eksena ng montage ng mga imaheng sabay na binabalikan at pinupuntahan ng metrosentimental niyang isipan.
CUT to:
Hahakbang ang isang lalaki pababa sa umaandar na escalator. Hihinto sa tabi ni Rory. Uupo sa steps ng mabagal na umaandar na escalator. Yuppie na emo ang lalaki. Stereotypical Makati-Boy ang itsura. Pero hindi ang asta. Hindi ang pagsalampak niya sa escalator steps. Hindi ang pagyuko at pag-akap sa dala niyang itim na sling bag.
Isang segundo pa, umupo/sumalampak rin si Rory sa steps ng mabagal na umaandar na escalator pababa sa platform ng MRT. Naglaho na ang montage. Ngayon ay nasa MRT Ayala Ave. station siya. Nakasalampak sa pababang escalator. Katabi ang isang sentimental na yuppie. Tititigan ni Makati Boy si Rory.
Rory:
Para pantay tayo. Para hindi mo maramdamang mas mababa ka.
Patapos na ang dalawang minuto. Tatlong hakbang na lang pala at nasa baba na. Tatayo ang dalawa.
Makati Boy:
Anong pangalan mo?
Rory:
Hindi dahil dinamayan kita, kailangan magkakilala na tayo.
Sasakay sa magkasaliwang tren si Rory at si Makati Boy.
FADE TO BLACK.
Posted at 09:11 pm by roreel